isang panunumbalik sa sarili

kung iniisip mo na hindi ko na itinuloy ang pagbblog sa blogspot, nagkakamali ka.  bakit ako nagblog sa friendster kamo? dahil ilalathala ko ang aking mga kuro-kuro’t kalaliman ng loob sa pamamagitan ng Filipino.  ayaw ko kasing gamitan ng filipino ang aking blogspot blog, kaya heto, dito na ko sa friendster blog nagsusulat. 

bakit ko nga ba naisipang mag-blog ngayon?

dahil sa pamamagitan lamang ng pagbblog ko nailalabas ang mga iniisip ko.  mahalaga ito para sa akin sapagkat hindi ako mapag-isang tao.  mahilig akong makakasama ng iba’t ibang tao at ayoko ang mapag-isa.  hindi ko hilig ang magmuni-muni hinggil sa aking sarili. kung pinasagot ako ng Multiple Intelligence Test, pustahan pa tayo na ang pinakamababang marka ko ay sa intrapersonal intelligence.  kaya naman sinasamantala ko na ang pagkakataong ito na maraming bumabagabag sa aking isipan hinggil sa aking sarili.  Sabihin na natin na ngayon ko lang lubusang nakilala’t naintindihan kung ano akong klaseng tao.

Noong isang linggo, nagkaroon kami ng isang gawain sa FLCD 175 lab.  lahat ng aking mga kamag-aral ay nagsulat ng mga katangian ko ayon sa kanilang pagkakakilala sa akin sa isang kapirasong papel na nakadikit sa likod ko. hindi ko talaga malaman kung kaninong mga sulat-kamay ang mga katangiang nakasulat sa papel ko.  sa kapirasong papel na yun nalista ang mga katangian ko base sa pagkakakilala sa akin ng aking mga kamag-aral, base na rin siguro sa ikinikilos ko sa kanila. 

ayon sa aking mga kamag-aral, ako raw ay friendly, God-fearing at loving. Yun ang karamihang naka-sulat sa papel ko.  hindi ko naman ipagkakaila na talaga namang isa akong taong may takot sa Diyos, at kahit papano pala-kaibigan naman ako’t mapagmahal/malambing/mapag-aruga. 

One Response to “isang panunumbalik sa sarili”

  1. nino Says:

    yung pagsusulat si likod…we did that in my class in teaching strategies (testred) last year…hehe…yun lang naman yung masasabi ko…=)

Leave a Reply