Archive for December, 2006

isang taon

Sunday, December 31st, 2006

isang taon na ang dumaan
siyang tunay akong pinagpala
sa binigay Niyang mga kaibigan
at sa pamilyang mapag-aruga

isang taon na ang lumipas
dumaan ako sa pagsubok at ligaya
ngunit kahit ako na ang umiwas
para sa akin nandiyan pa rin Siya

parating nanaman ang isang taon
higit na aking inaasam-asam
na mapalitan nang pulot ang naging lason
at malimutan ang pait ng nakaraan

alam kong isang magandang bukas
ang siyang naghihintay nang dumating
kung saan Kanyang ipamamalas
ang lubos na pagmamahal at angking galing.

———————-
"For I know the plans I have for you", declares the Lord, "plans to prosper you and not to harm you; plans to give you a hope and a future." -Jeremiah 29:11
———————-
For the Lord works for the good of those who love Him. -Romans 8:28
———————-

Kaya naman napakasarap tumingin sa hinaharap!=)

Isang manigo at pinagpalang bagong taon sa inyo at sa inyong mga pamilya!=)

ngawit na ngiti

Wednesday, December 27th, 2006

isang ngiti
isang tapik sa balikat
hindi aakalain ninuman
na mayroon kang tinatago
sa likod ng ngiti na yan
kungsabagay
sino nga ba
ang hindi dinadaan sa ngiti
ang lahat ng nararanasan?

konting tsismis
hanggang sa
pagkakayurakan ng pagkatao
ngiti ka lang
ngiti lang din ako

ngunit may hangganan
ang pag ngiti ninuman
nakakangawit ngumiti palagi
masakit sa panga
pero dun mo na makikita
ang tunay mong mukha
handa mo na bang panagutan
ang lahat ng mga naging kabanggaan?

kathang puso

Monday, December 18th, 2006

tama ba ang napapansin ko?
o ako lang ‘yun?
ang laki ng pinagbago mo
ng pinagbago ko
ng pinagbago niya
ng pinagbago natin
parang hindi na tayo magkakakilala
parang wala ka nang paki
baka maisip mo na wala ka namang ginagawa
at ako lang naman ang nagiisip ng ganun
pero yun nga yun eh
wala ka ngang ginagawa
tila isang pagpapanggap na lamang ang lahat
at sa totoo lang nalilinlang ako sa paglilinlang mo
sabi mo dati matalik tayong magkakaibigan
nasaan na ang pagiging matalik?
nasaan na ang pagiging kaibigan?