ngawit na ngiti

isang ngiti
isang tapik sa balikat
hindi aakalain ninuman
na mayroon kang tinatago
sa likod ng ngiti na yan
kungsabagay
sino nga ba
ang hindi dinadaan sa ngiti
ang lahat ng nararanasan?

konting tsismis
hanggang sa
pagkakayurakan ng pagkatao
ngiti ka lang
ngiti lang din ako

ngunit may hangganan
ang pag ngiti ninuman
nakakangawit ngumiti palagi
masakit sa panga
pero dun mo na makikita
ang tunay mong mukha
handa mo na bang panagutan
ang lahat ng mga naging kabanggaan?

Leave a Reply