maraming ninanais ang aking puso
higit na kay raming inaasam-asam
mga pangarap na tila pangarap lamang
ngunit hinihintay na maging katotohanan
walang magawa kundi ang
maghintay
mag-abang
at magsumikap habang naghihintay
sabik ang aking puso makita ang pag-asa
pag-asang magiging daan sa magandang pagbabago
sa akin, sa inyo,
sa kanila, sa ating lahat
abot langit ang pagngawa
abot langit ang panalangin
na hindi mawalan ng pag-asa
mga nagsisilakbong damdamin
hanggang tengang ngiti
labing puno ng papuri
naghihintay mapakita
ng pusong may inaasam-asam