Nakakatuwa. Nakakatawa. Hindi naman pala.
mababaw lang naman ang kaligayahan ko. madali akong patawanin. ang baduy na joke, kadalasa’y bentang benta sa ‘kin. kung bakit. hindi ko din alam…ganito lang din kasi talaga ako ginawa ng Panginoon.
"Paano po kung hindi naman kayo, pero meron kayong special understanding? Okay lang po ba yun?"
‘Yan ang isa sa mga tanong sa pagsasalo ng E-Cube sa How Deep is Your Love. Emcee ako sa pagsasalong iyon, ngunit gusto ko sanang sagutin yung tanong. Nakakatawa. Matagal ko nang alam ang sagot sa tanong na yun. Kung babae ka, hindi okay yun dahil kadalasan, babae ang lugi sa ganoong klaseng relasyon–hindi mo alam kung saan ka lulugar. laging nasa gitna ng pagiging single at pagkakaroon ng jowa (haha..whatta term). sa simpleng salita–limbo. kung lalaki ka naman, hindi okay yun, dahil hindi mo man lang naiisip kung gaano kahirap para sa babae ang malagay sa ganoong klaseng sitwasyon.
halos lahat sa kakaunting relasyon na naranasan ko (sa pakikipagrelasyon sa ibang kasarian) ay ganun. M.U. sabi nila "Mutual Understanding" pero sa totoo lang…"MAlabong Usapan" Ilang beses ko nang naranasan. nakakatawa dahil ang tigas talaga ng ulo ko.
Natuwa lang sa sandaling may nagpakita na pinapahalagahan ka, pinoprotektahan ka…pero hindi nga lang kayo. "Friends lang kami" pero ewan. Nakakatawa ang mga palusot ng tao sa ganung sitwasyon.
Ngunit sa kabila ng katuwaan, katatawanan, at kakiligan, hindi nakakatawa ni nakakatuwa ang in-iinvest na oras at damdamin. Hindi nakakatawa ni nakakatuwa ang masaktan ng paulit ulit dahil nung simula ka nang mahulog, nalaman mong wala na palang sasalo sayo. Akala mo meron. Kaya maraming namamatay sa maling akala eh.
Hindi ko naman sinisisi ang ibang tao sa napagdaanan kong ‘di kanais-nais, dahil alam ko naman na ako mismo ay may pagkukulang at may kasalanan. Pangarap ko yun, na kung maulit man yun, sana saluhin na niya (kung sino man siya) ako. O kaya naman sabay kaming mahulog, para hindi kami nag-aalinlangan, para hindi nakapang-hihinayang. Sana Siya ang magpasalo sa kanya (kung sino man siya). Para hindi lang nakakatuwa, kundi nakakagalak…
Shux…masyado yatang malakas ang hangover ko ng Singles Awareness Day (Valentine’s Day)