Archive for March, 2007

Bihag

Thursday, March 29th, 2007

hindi ko akalain
sa dami ng tao sa mundo
ikaw lang din pala
ang bibihag sa puso ko

tumingin man sa malayo
mag-iba man ang landas
hindi mawala sa isip
ang pag-ibig na wagas

ngunit kung titignan
ako’y bihag mo lamang
hindi makalalaya
gustuhin ko man

kahit pa nasasaktan
ako’y bihag mo lamang
tanging panalangin
ika’y mabihag ko rin.

—–
mdsdm 033007
—–

hayuf. iba talaga pag kailangan mag-destress eh no?

One facet of me you just need to know.

Sunday, March 4th, 2007

Sagutin sa pinakamasungit mong
kakayahan:
(in this case, sasagutin ko siya ng pinakamataray kong kakayahan=D)

01. ang arte mo!
- eh ano naman, kung maarte ako?

02. mas matalino naman ako sayo!

-bahala ka na nga magbuhat ng sarili mong bangko jan…

03. crush ako ng crush mo!

- so, crush mo na rin siya ngayon?

04. ang bobo mo pala sa math!

- no surprise there! hindi naman ako math major no!

05. bilisan mo naman!

- sino ba kasi tinatakasan natin?

06. ang taray mo!

- eh nakakairita na eh..

07. gusto mo ng away?

- ayokong mag-aksaya ng panahon sa bagay na walang katuturan…

08. takot ka ata sakin eh?

- pwede ba? feel.

09. mas mahal niya ko!
- okay lang! hindi ko naman siya mahal!=P

10. ang bababa na naman ng mga grades
mo!

- UP naman..eh ikaw?

hahahaha! sorry kung may na-offend lalo na sa number 10. That’s UP pride talking. at hypothetical naman ang lahat ng sitwasyon. ayan…para alam niyo na nakakaimbyerna din pala ako. para hindi kayo magulat kung bigla niyong ma-witness ang aking mga episodes…hehehe…