Bihag

hindi ko akalain
sa dami ng tao sa mundo
ikaw lang din pala
ang bibihag sa puso ko

tumingin man sa malayo
mag-iba man ang landas
hindi mawala sa isip
ang pag-ibig na wagas

ngunit kung titignan
ako’y bihag mo lamang
hindi makalalaya
gustuhin ko man

kahit pa nasasaktan
ako’y bihag mo lamang
tanging panalangin
ika’y mabihag ko rin.

—–
mdsdm 033007
—–

hayuf. iba talaga pag kailangan mag-destress eh no?

One Response to “Bihag”

  1. Anne Micah Says:

    Wow nmn… Mahirap yan!

Leave a Reply