maghintay vs. bumitaw

January 21st, 2007 by purpleparuparo

tol: nagwewait ka pa rin ba?
tok: *isip* mm…oo yata, ay, hindi ko alam…hinde…ah..mm..oo yata…hinde…ay..hindi ko alam..

ang ganda naman nun.

(bahagi ng pag-uusap)
tol: natetempt kasi ako maglet go
tok: alin ba kasi talaga ang temptation? ang maghintay o ang maglet go?

sa totoo lang, hindi ko din alam.

hindi madali maghintay. hindi rin madali bumitaw.

tok: (sa sarili) para madali, hindi ko nalang iisipin.

hinihintay ang inaasam-asam

January 7th, 2007 by purpleparuparo

maraming ninanais ang aking puso
higit na kay raming inaasam-asam
mga pangarap na tila pangarap lamang
ngunit hinihintay na maging katotohanan

walang magawa kundi ang
maghintay
mag-abang
at magsumikap habang naghihintay

sabik ang aking puso makita ang pag-asa
pag-asang magiging daan sa magandang pagbabago
sa akin, sa inyo,
sa kanila, sa ating lahat

abot langit ang pagngawa
abot langit ang panalangin
na hindi mawalan ng pag-asa
mga nagsisilakbong damdamin

hanggang tengang ngiti
labing puno ng papuri
naghihintay mapakita
ng pusong may inaasam-asam

isang taon

December 31st, 2006 by purpleparuparo

isang taon na ang dumaan
siyang tunay akong pinagpala
sa binigay Niyang mga kaibigan
at sa pamilyang mapag-aruga

isang taon na ang lumipas
dumaan ako sa pagsubok at ligaya
ngunit kahit ako na ang umiwas
para sa akin nandiyan pa rin Siya

parating nanaman ang isang taon
higit na aking inaasam-asam
na mapalitan nang pulot ang naging lason
at malimutan ang pait ng nakaraan

alam kong isang magandang bukas
ang siyang naghihintay nang dumating
kung saan Kanyang ipamamalas
ang lubos na pagmamahal at angking galing.

———————-
"For I know the plans I have for you", declares the Lord, "plans to prosper you and not to harm you; plans to give you a hope and a future." -Jeremiah 29:11
———————-
For the Lord works for the good of those who love Him. -Romans 8:28
———————-

Kaya naman napakasarap tumingin sa hinaharap!=)

Isang manigo at pinagpalang bagong taon sa inyo at sa inyong mga pamilya!=)

ngawit na ngiti

December 27th, 2006 by purpleparuparo

isang ngiti
isang tapik sa balikat
hindi aakalain ninuman
na mayroon kang tinatago
sa likod ng ngiti na yan
kungsabagay
sino nga ba
ang hindi dinadaan sa ngiti
ang lahat ng nararanasan?

konting tsismis
hanggang sa
pagkakayurakan ng pagkatao
ngiti ka lang
ngiti lang din ako

ngunit may hangganan
ang pag ngiti ninuman
nakakangawit ngumiti palagi
masakit sa panga
pero dun mo na makikita
ang tunay mong mukha
handa mo na bang panagutan
ang lahat ng mga naging kabanggaan?

kathang puso

December 18th, 2006 by purpleparuparo

tama ba ang napapansin ko?
o ako lang ‘yun?
ang laki ng pinagbago mo
ng pinagbago ko
ng pinagbago niya
ng pinagbago natin
parang hindi na tayo magkakakilala
parang wala ka nang paki
baka maisip mo na wala ka namang ginagawa
at ako lang naman ang nagiisip ng ganun
pero yun nga yun eh
wala ka ngang ginagawa
tila isang pagpapanggap na lamang ang lahat
at sa totoo lang nalilinlang ako sa paglilinlang mo
sabi mo dati matalik tayong magkakaibigan
nasaan na ang pagiging matalik?
nasaan na ang pagiging kaibigan?

katigasan ng ulo

November 19th, 2006 by purpleparuparo

"ilang beses ko na ba kasi sinabi sayo na hintayin mo ako? hindi ka ba nabibingi sa lakas ng sigaw ko?"
"eh hindi ko nga kasi marinig!"
"hindi marinig? hindi marinig! naman, nagbibingi-bingian ka nanaman eh..napapahamak ka tuloy"
"sorry na..ito na nga eh, napahamak na nga, pagagalitan mo pa ko"
"naman kasi, pang-ilang beses na yan eh. di bali sana kung unang pagkakataon lang yan…eh hindi eh! nakailang ulit ka na! katangahan na yan…katangahan."
"…"
"halika na nga dito!" *akap* "sa susunod, makikinig na ha? wag nang pasaway ha?"
"opo…susubukan po." *iyak*

November 17th, 2006 by purpleparuparo

[ ] you own a jersey
[ ] you like being sweaty
[ ] you love mud
[x] you’ve played at least one sport on
a
team
[x] you’ve played more than 1 sport for
fun
[ ] you hate pink
[x] you love hoodies and jeans
[ ] pranks are fun
[x] dogs are better than cats
[ ] mapang-asar

total = 4

[ ] shopping is torture
[ ] pulling heads off dolls isnt
creepy..its fun
[ ] you dont cry
[ ] sad movies suck
[ ] girl drama is stupid
[ ] painting your nails is
weird/stupid
[ ] you own a ps2
[ ] you own an xbox
[ ] you own a gamecube
[ ] at some point in time you wanted to
be a firefighter
[ ] you own a psp

Total = 0

[x] you used to be obsessed
with power rangers
[ ] you watch sports center
[x] you watch sports on tv sometimes
[ ] gorey movies are the best!
[ ] you arent scared of anything
[ ] you take part in "male bonding"
[ ] you only go to your dad for advice
[ ] you own like a trillion baseball
caps
[ ] you’re not sensitive
[x] no pain no gain

Total = 3

[ ] you like going to football games
[ ] night games rock
[ ] spiders and bugs are cool
[ ] you like to freak out your sister
or
brother
[ ] you used to or do collect
basketball
cards
[ ] saggy pants are cool
[ ] you get sports illustrated/other
sports/guy magazine
[ ] fire is cool
[ ] you don’t babysit
[ ] you’re immature

Total = 0

[ ] its kinda weird to have sleepovers
with a bunch of people
[ ] green, black, red or blue are your
favorite colors
[x] romantic comedies are interesting
[ ] you hate dressing up
[ ] you dont care about your hair
[x] climbing is fun
[ ] contact sports like football are
fun

total = 2

Now add the numbers up x2 and post your score as ___% guyish

according to this bulletin post, i am 28% guyish.

~
~~
~~~
~~~~
~~~~~
~~~~
~~~
~~
~

GIRL-ISH

[x] you wear lip gloss.
[x] you shop
[x ] you wear eyeliner {although not all the time…tipong pag may okasyon lang or kung feel ko lang mag make-up}
[x] you buy different colored shirts
[/] you wear halters and tube tops {mm…pano yan? half lang kasi i wear these with something on top of them and not stand-alone..super rare yung stand alone}

total: 4.5

[ ] you dont like shopping at hot topic {well…it’s not like i don’t like shopping there, it’s just that i don’t shop there}
[x] you wear the color pink
[ ] you consider cheerleading a sport
[x] you love wearing the color black
[ ] you love hanging around at the mall

total: 2

[x]you like getting manicures and/or pedicures {yes!!! rare moments of self-pampering!}
[x] you wear jewelery
[x] skirts are a part of your wardrobe
[ ] you take a long time doing your
hair
[/] shopping is one of your favorite
hobbies {only when there’s money to shop..hehe}

total: 3.5

[ ] you hate the movie star wars
[x] you cry in cinemas {embarrassing, but true!}
[x] you are/were in cheerleading, gymnastics, or dance {i’ve done all three some time in my life}
[ ] it takes you more than 1/2 hour to get dressed and put on other accesories {haha..no naman…only when i have alot of time to kill..which is hardly ever, because i get ready at the last minute! haha!}
[ ] you smile/laugh a lot more than u should {mm..i don’t know about this…}

total: 2

Add them up, multiply them by 5, and post as  __% girlish

accoding to this post, i am 60% girlish.

so if i’m 60% girlish, and 28% guyish i am 12% what?

so sick..so sappy…so smile!

November 15th, 2006 by purpleparuparo

and i’m so sick of love songs
so tired of tears
so done with wishing
you were still here
and i’m so sick of love songs
so sad and slow
so why can’t i turn off the radio?

———————–

hindi ko siya LSS…
i just really like that part of that song.

———————-

apparently, i’m not just so sick of love songs
i’m also so tired of so many other things…

———————

but hey! (^_^) smile! there’s nothing else you can do anyway!

isang panunumbalik sa sarili

August 30th, 2006 by purpleparuparo

kung iniisip mo na hindi ko na itinuloy ang pagbblog sa blogspot, nagkakamali ka.  bakit ako nagblog sa friendster kamo? dahil ilalathala ko ang aking mga kuro-kuro’t kalaliman ng loob sa pamamagitan ng Filipino.  ayaw ko kasing gamitan ng filipino ang aking blogspot blog, kaya heto, dito na ko sa friendster blog nagsusulat. 

bakit ko nga ba naisipang mag-blog ngayon?

dahil sa pamamagitan lamang ng pagbblog ko nailalabas ang mga iniisip ko.  mahalaga ito para sa akin sapagkat hindi ako mapag-isang tao.  mahilig akong makakasama ng iba’t ibang tao at ayoko ang mapag-isa.  hindi ko hilig ang magmuni-muni hinggil sa aking sarili. kung pinasagot ako ng Multiple Intelligence Test, pustahan pa tayo na ang pinakamababang marka ko ay sa intrapersonal intelligence.  kaya naman sinasamantala ko na ang pagkakataong ito na maraming bumabagabag sa aking isipan hinggil sa aking sarili.  Sabihin na natin na ngayon ko lang lubusang nakilala’t naintindihan kung ano akong klaseng tao.

Noong isang linggo, nagkaroon kami ng isang gawain sa FLCD 175 lab.  lahat ng aking mga kamag-aral ay nagsulat ng mga katangian ko ayon sa kanilang pagkakakilala sa akin sa isang kapirasong papel na nakadikit sa likod ko. hindi ko talaga malaman kung kaninong mga sulat-kamay ang mga katangiang nakasulat sa papel ko.  sa kapirasong papel na yun nalista ang mga katangian ko base sa pagkakakilala sa akin ng aking mga kamag-aral, base na rin siguro sa ikinikilos ko sa kanila. 

ayon sa aking mga kamag-aral, ako raw ay friendly, God-fearing at loving. Yun ang karamihang naka-sulat sa papel ko.  hindi ko naman ipagkakaila na talaga namang isa akong taong may takot sa Diyos, at kahit papano pala-kaibigan naman ako’t mapagmahal/malambing/mapag-aruga. 

i’m moving

January 14th, 2006 by purpleparuparo

to the faithful readers of my blog (kung meron nga man),

i have finally chosen a blog site (actually i already have for quite some time now) and i shall be blogging there from here on.  i will no longer be updating this blog of mine, because i’ll be using a different site for blogging.  so this will be the last entry for this blog.

if you’d still want to read on my blabberings, you can check http://cherishedsoul.blogspot.com

and if you have a blog that you might link to my page, kindly tell me so! thanks!

God bless you peeps!=)